- Daan-daang mga samahang mula sa civil society, katutubo at kababaihan ang naghihikayat sa mga kasaping mga Estado ng CFS na malakas na manindigan sa harap ng mga puwersang naglalayon pahinain ang karapatang pantao at pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian
- Ang CSIPM Women and Gender Diversities Working Group ay nananawagan sa mga kasaping Estado sa CFS at iba pang mga kalahok na kilalanin ang mga kababaihan bilang mga aktibong mga pulitikal na kinatawan, na may karapatan at kakayanan na magtakda ng kanilang sariling bisyon, pagbabago at kaunlaran.
3 Marso 2023. Roma, Italya. Sa bisperas ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan, may babala ang CSIPM Women and Gender diversities working group sa posibleng pag-atras sa karapatang pantao sa prosesong polisiya ng UN Committee on World Food Security (CFS), boluntaryong gabay sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at empowerment ng mga batang babae sa konteksto ng kasiguruhan sa pagkain at nutrisyon (GEWGE). Daang mga samahang mula sa civil society, katutubo at kababaihan ang naghihikayat sa mga kasaping mga Estado ng CFS na malakas na manindigan sa harap ng mga puwersang naglalayon pahinain ang karapatang pantao at pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian. Ito ang susi kung nais ng CFS na makamit ang pagkatanggap ng mga gabay, alinsunod sa mga naunang mga kinalabasang polisiya, ay maaring makapagbigay ng mga epektibong estratehiya, mga napatunayang pamamaraan, at mahalagang mga kabatiran para mapaganda ang mga pampublikong mga polisiya para isulong ang pagkakapantay pantay sa kasarian.
Sa isang pahayag na lumabas kamakailan sa publiko, na inendorso ng halos 500 civil society organizations, social movements at mga indibidwal mula sa buong mundo, ang CSIPM Working Group ay nanawagan para sa isang prosesong may sapat na impormasyon at bukas para sa lahat na may pagsaalang-alang sa mga salusalubong na porma ng diskriminasyon at ang samut-saring mapanupil at marahas na kondisyong kinakaharap ng mga kababaihan, batang kababaihan at ng non-cis heteronormative na mga indibidwal Ang mga taong ang kanilang pagkakakilanlan sa kasarian at ekspresyon ay hindi parehas sa kasariang itinalaga sa kanila sa kanilang kapanganakan, gayon din ang mga taong ang karanasan sa pagmamahal, atraksyong sekswal, at pakikipagrelasyon sa indibidwal na may parehong kasarian, o higit sa isa ang kasarian.
Ngayon, bilyong-bilyong kababaihan, batang babae, at non-cis heteronormative na mga indibidwal ang kumakarga sa mabibigat at magkakaugnay na krisis sa pagkain, kalusugan, at klima. Ang mga krisis na ito, na sa saklaw ay ngayon lang natin naranasan, ay nagpapalala sa mga dati nang umiiral na mga sistemikong porma ng patriyarkal na hindi pagkakapantay-pantay, paniniil, rasismo, kolonyalismo, karahasan at diskriminasyon. Ayon sa United Nations Food and Agriculture Organization o FAO, ang mga kababaihan ay bumubuo sa 44 porsyento ng lakas paggawa sa agrikultura sa Global South, subalit 18 porsyento lamang ng lupang sakahan ang kanila pinagmamayarian, tumatanggap lamang sila ng 5 porsyento ng suportang serbisyong agrikultural, at sila ay binabayaran ng mas maliit kumpara sa mga kalalakihan na gumagawa ng parehong trabaho.
Sa pampublikong pahayag, nilinaw ng Working Group na hindi katanggap-tanggap ang isang dokumento mula sa CFS na hindi naglalatag ng bisyon para sa isang ambisyosong dokumento. Bilang isa sa pinaka bukas na pandaigdigang plataporma ng mga gobyerno para tugunan ang mga isyu ng kasiguruhan sa pagkain at nutrisyon, hindi pwedeng magbulag-bulagan ang Komite sa katotohanan na ang diskriminasyong batay sa kasarian ay isang cross-cutting na isyu na siyang sumasagka sa milyong-milyong mga taong nagpapakain ng mundo upang maisakatuparan ang kanilang karapatan sa pagkain.
“Hindi namin matatanggap ang hindi pagbanggit sa maraming mga mahahalagang isyu, porma ng paniniil, paglabag sa karapatan, dahil sa hindi pagkilalang ito, hinahayaan nating ang diskriminasyon at mga paglabag ay magpatuloy”, pinagtibay ng Working Group.
Sa loob ng huling dalawang taon, mahalagang oportunidad sa CFS na paunlarin ang isang pangungunang polisiya para tugunan ang hindi pagkakapantay-pantay at diskriminasyong kinakaharap ng mga kababaihan at batang babae sa pagkamit nila ng kanilang mga karapatan sa pagkain. Subalit, noong Hulyo 2022, dahil hindi nakakuha ng konsensus sa mga susing usapin, nabigo ang CFS na mapagtibay ang Voluntary Guidelines noong CFS 50. Mabuti nalang at ang mga kasaping mga estado ay nagkasundo na patuloy na bunuin nang isa pang taon, sa pag-asang maabot ang inaasam na konsensus. Ngayon ang proseso ay nagsimula nang muli, sa pangunguna ng taga pamuno ng CFS na si Gabriel Ferrero, at ang Guidelines ay inaasahan na mapagtitibay sa panahon ng CFS 51 Plenary Session sa Oktubre 2023.
Sa kasalukuyang draft ay napapaloob ang ilang importanteng pag-abante sa aspeto ng lenggwahe sa polisiya para sa proteksyong panlipunan at redistribusyon ng gawaing pangangalaga. Habang 80 porsyento ng teksto ay napagkasunduan ad referendum sa huling round ng negosasyon na naganap noong Hulyo 2022, ilang kasaping mga estado ay nagbabala kamakailan na maaari pa rin nilang buksan muli ang ilang talata.
Sa borador na iminungkahi ngayon ng CFS Chair, tinanggal sa teksto ang pagkilala sa kababaihan at batang babae at lahat ng kanilang pagkakaiba-iba. Bigo ang pagkilala sa pag-iral ng non-cis heteronormative na mga tao, na madalas at lalong higit na nagiging target ng diskriminasyon. Bigo din siyang kilalanin ang patriyarkal na mga istraktura na siya mismong tumutukoy sa kasalukuyang industriyal na sistema ng pagkain. Isa pang pag-urong ay ang pagbaba sa prayoridad ng ilang seksyon na tumatalakay sa karahasang sekswal at batay sa kasarian, at ang walang bayad na gawaing pangangalaga at gawaing bahay: Ang parehong isyung ito ay istruktural na mahigpit ang pagkakaugnay sa kasiguruhan sa pagkain at nutrisyon kung kaya’t dapat ay nasa puso ng guidelines para sa pagkakapantay-pantay batay sa kasarian.
Bilang tugon, nagpahayag ang Working Group na ang mga pag-urong na ito sa kasalukuyang borador ay hindi usapin ng bilang ng salita, kundi sa kahalagahan kung saan ang partikular na mga termino ay nababanggit, at kung paano ito ay naiuugnay sa buong dokumento. Nagbabala na kung magpapatali lamang sa lenggwaheng nakapaloob na sa mga dokumento ng UN or CFS, ang patriyarkal na kaayusan na humuhubog sa kasalukuyang mga mapang-aping pamantayan ay hindi mababago at patuloy na magiging hadlang sa pagkamit ng kasiguruhan sa pagkain at nutrisyon para sa lahat. Ang lubos na kailangang mga radikal at kagyat na transpormasyon ng ating sistema sa pagkain ay mabibigo kung hindi nito tutugunan ang mga hindi pagkakapantay-pantay na kapangyarihan at kawalan ng katarungan na patuloy na kinakaharap ng mga kababaihan, batang babae at non-cis heteronormative na mga tao.
Ang simpleng pagtanggal sa teksto ng boses ng mga pinaka apektado ng kawalang kasiguruhan sa pagkain at nutrisyon ay hindi mababago ang realidad. Ang mga kababaihan, batang babae at non-heteronormative na mga tao ay patuloy na humaharap sa mga seryosong mga kagipitan, tulad ng kahirapan, lalong pagbigat ng gawaing pangangalaga, at ang pataas na exposure sa karahasang base sa kasarian at sekswal. Madalas ay nararanasan ang paglabas sa kanilang sekswal at reproductive na karapatan sa kalusugan. Ang pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay sa kasarian ay isang susing hakbang tungo sa paglipol sa kagutuman, pagpapahusay ng nutrisyon, at pagpapalakas sa kakayanan ng mga tao na malampasan ang krisis.
Ang CSIPM Women and Gender Diversities Working Group ay dinala sa prosesong ito ang boses ng mga kababaihang pesante, katutubo, nasa mga lugar na nasa gitna ng giyera, mga namumuhay sa ilalim ng okupasyon, non cis-heteronormative na mga tao, kababaihang mangingisda, walang sariling lupa, pastoralista, mga manggagawa sa agrikultura at pagkain, mga mamimili at mga naninirahan sa siyudad na walang kasiguruhan sa pagkain mula sa iba’t-ibang panig ng mundo mula sa Timog hanggang sa Hilaga. Ang mga delegado ay nagbigay ng mga halimbawa batay sa kani-kanilang karanasan, na nagpapakita kung paano ang karahasang sekswal at batay sa kasarian ay patuloy na bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Ipinaliwanag din nila kung paanong ang mga ganitong porma ng karahasan ay bumabalandra sa iba pang porma ng paniniil, na siyang pumipigil sa kanila akses at kontrol sa likas yaman, na siyang humahadlang sa kanilang paglikha at pag-akses sa pagkain ng may dignidad. Marami ring interbensyon na naka base sa karanasan mismo bilang maliliit na tagapaglikha ng pagkain sa loob na kanilang mga teritoryo.
Sa Marso 7, sa bisperas ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, ang CFS Gender workstream ay magpapatawag ng isang pulong ng Open-Ended Working Group, na may partisipasyon ng mga Estadong kasapi, iba pang kalahok at taga obserba. Sa okasyong ito, ang CSIPM Working Group, na aktibong lalahok, ay nananawagan sa mga kasaping bansa sa CFS at iba pang mga kalahok na kilalanin ang mga kababaihan bilang aktibong mga pulitikal na kinatawan na mayroong karapatan at kakayanan na magtakda ng sarili nilang bisyon, pagbabago at pag-unlad, at nagsusumikap nang makamit ang kasiguruhan sa pagkain.