Sa harap ng digmaang patayan ng lahi (genocide) na inilunsad sa pananakop ng Israel sa Gaza at ang kampanyang etnikong paglilinis sa West Bank, kung saan kinubkob ang mga mamamayang Palestino na nagbabanta sa kaligtasan ng kanilang buhay, ang Union of Agricultural Work Committees sa Palestina ay naglulunsad ng isang pandaigdigang kampanyang pang-ayuda. Ang inisyatibang ito ay isang malinaw na panawagan sa pandaigdigang komunidad, isang kagyat na panawagang magkaisa upang mabigyan ang sampu-sampung libong apektado ng pambobomba at pagkasira ng pagkain, tubig, at mga esensyal na bagay para mabuhay, ng pagtitiyak sa kanilang katatagan at pagpapatuloy sa kabila ng kalupitan ng mga krimen ng mananakop.
Ang kampanyang ito ay higit pa sa simpleng pagtulong; ito ay isang paninindigan laban sa pagbura ng isang lahi, isang patunay sa paniniwala na ang dignidad at buhay ng mga Palestino ay kasing sagrado ng buhay ng sinuman sa planetang ito. Dumudulog kami sa mga may malayang kaisipan ng mundo upang ipahayag ang mga tinig ng mga nagdurusa at ipahatid ang isang mensahe ng pagkakaisa at suporta, upang patunayan na hindi sila nag-iisa sa pakikibakang ito.
Pinagtitiis ng mga mamamayang Palestino ang kawalan ng katarungan at umaasa sa mga tagapagtanggol ng kalayaan ng mundo na tumayo kasama nila. Ito ay isang mensahe ng kalayaan at dignidad na dapat umalingawngaw sa buong mundo.
Habang kami, ang Union of Agricultural Work Committees, ay nangunguna sa pandaigdigang kampanyang ito, sinasamahan kami ng isang koalisyon ng mga kasama at kaalyado sa buong mundo. Ang kanilang pagsali sa kampanyang ito ay nagpapalakas sa aming panawagan, na palitan ng alon ng suporta ang daloy ng pagdurusa.
Ang paggamit ng sapilitang-panggugutom sa pananakop ng Israel bilang sandata sa kalunos-lunos na pakikidigma nito laban sa 2.3 milyong Palestino ay isang sampal sa sangkatauhan, na hinihiling ang pandaigdigang aksyon upang ilantad at panagutin ang mga responsable.
Sama-sama, tayo ay bumabaka para sa kalayaan at kasarinlan, para sa isang kinabukasan kung saan ang mga anak ng Palestina ay maaaring mabuhay na may katumbas na pag-asa at kapayapaang katulad ng sa ibang mga bata sa buong mundo.
MAG-DONATE TAYO NGAYON: https://stopgazastarvation.org/
IBANG PARAAN PARA MAG-DONATE
BIZUM: 08388
I-access ang Bizum application mula sa iyong mobile phone: maaari kang gumawa ng iyong kontribusyon mula sa CODE 08388 o ang salitang Palestine, na magdadala sa iyo sa kampanyang StopGazaStarvation UAWC Palestinian Farmers.
PAGLIPAT NG PERA
Kung mas gusto mong gawin ang paglipat ng pera sa mga account number sa ibaba, maaari mo itong gawin online o sa alinmang sangay ng bangko na iyong pinili:
LABORAL Kutxa
IBAN: ES10 3035 0028 19 0280107039
BIC/SWIFT: CLPEES2MXXX
BENEPISYO: Bizilur, Asociación Para la Cooperación y el Desarrollo de los Pueblos (Bizilur, Association for Cooperation and Development of Peoples)
ADDRESS: C/ Cardenal Gardoki 9 – 5º dcha
LUNGSOD: Bilbao