English | Bahasa Indonesia | Hindi | Thai
Press release, Ika-4 ng Disyembre 2023 — Ang carbon offsetting ay nagpahina sa tunay na pagkilos sa klima, nagbigay daan sa paglabag sa karapatang pantao at mga karapatan ng katutubo, at nagdulot ng matinding pinsala sa ating mga komunidad sa frontline sa loob ng higit na dalawang dekada. Sa kabila nito, ang kumperensya ng klima ng UN (COP28) na kasalukuyang isinasagawa sa United Arab Emirates ay nakatakda na maging isa sa mga pinakamalaking kaganapan kailanman sa promosyon ng carbon offsets. Sa darating na linggo, magpapasya ang mga pamahalaan ng mundo kung ipapatupad ang carbon offsets sa loob ng internasyunal na patakaran sa klima. Magdaraos ang liderato ng UAE ng maraming mga kaganapan sa temang ito na magsusulong sa carbon offsets.
Ang mga pandaraya at pinsala sa mga lokal na komunidad dulot ng mga proyekto sa merkado ng carbon ay lubos na dokumentado. Sa buong 2023, ang akademikong pananaliksik, ulat sa media at pagsisiyasat ng lipunang sibil ay naglantad kung paano ang mga proyektong ito ay paulit-ulit na nagreresulta sa mga ‘multong’ offset. Sa halip ay nauuwi sa pag-agaw ng lupa at paglabag sa karapatang pantao at karapatan ng katutubo (tingnan sa ibaba). Kabilang sa mga halimbawa kamakailan lamang ang sapilitang relokasyon ng mga Ogiek sa Mau Forest ng Kenya upang bigyang daan ang mga carbon offset na proyekto — at ang malawakang sekswal na pang-aabuso sa isang proyekto na pinatatakbo ng Wildlife Works ng US. Sa nakalipas na mga buwan, ang Kenya, kasama ang Liberia, Tanzania, Zambia at Zimbabwe, ay pumirma ng mga kontrata sa Blue Carbon na nakabase sa Dubai, na sumasaklaw sa higit na 24 milyong ektarya ng mga lupain ng mga komunidad.
Nakabatay ang mga bagong larangan ng carbon offsetting sa maigting na paligsahan upang ma-transporma ang mga taniman, baybayin at karagatan at maging ‘alisan’ ng carbon ang mga ito diumano ayon sa mga kumpanya, ma-sequester ang carbon at makabuo ng “bagong” carbon credits. Wala sa mga pamamaraang ito ang napatunayan na permanenteng mag-iimbak sa carbon. Ang malawakang industriya sa pagtatanim ng damong-dagat ay gumigitgit sa mga teritoryo ng mga komunidad at lumilikha ng mga bagong banta sa kapaligiran ng dagat at sa marine food web.
Ang carbon offsetting ay nagbigay daan din sa isang mabilis na lumalagong industriya ng mapanganib na geoengineering at sa mga climate chaos profiteers, sa kapinsalaan ng mga lokal at katutubong komunidad. Ang mga developer ng proyekto ng carbon offset, mga ahensiya ng pamantayan, mga awditor at mga nagpapautang ay nakakapagbulsa ng milyun-milyon mula sa paglilikha ng carbon credits na bigo naman upang mabawasan ang mga emisyon at bagkus pinalala pa ang krisis sa klima. Ang mga proyektong ito, na marami ay repackaged bilang mga ‘solusyon na naka-base sa kalikasan’ o ‘natural climate solutions‘, o bilang ‘blue carbon’ kapag ginawa sa mga baybayin at karagatan, ay bumitag din sa mga komunidad ng magsasaka at katutubo sa mga magastos at kumplikadong legal na labanan sa kanilang pagsisikap na pagtibayin ang kanilang mga karapatan at mabawi ang mga teritoryo ng komunidad habang nilalabanan ang mga proyekto. Sa proyekto ng Cordillera Azul National Park REDD (PNCAZ), naapektuhan ang mga komunidad ng Kichwa sa Peruvian Amazon sa mamahaling iskema na ito. Negatibo rin ang epekto ng Katingan Peatland Restoration and Conservation Project sa Indonesia sa mga komunidad ng Dayak. Ang ‘nature based solution’ ng Total Energies, kung saan gumamit ng mga plantasyon ng puno para sa pag-offset sa Bateke Plateau ng Republika ng Congo, na tahanan ng mga komunidad ng Aka Indigenous at mga magsasaka ng Bantu, ay isa pang kaso ng offsetting kung saan ang mga karapatan ng komunidad ay nilalabag. Ang mga proyektong ito ay pinagpapatuloy ang daang taong pag-aalis sa mga orihinal na komunidad, at kahit na ngayon ay ginagamitan ng ‘berdeng’ katwiran, ang mga ito ay katumbas ng ‘green grabbing’ na kolonyalismo.
Ang merkado ng carbon ay hindi solusyon sa pagbabago ng klima. Ang kagyat na kinakailangan ay panibagong pagtuon sa pagpapanatili ng fossil fuels sa ilalim ng lupa at matatag na kilusang klima batay sa pagkakapantay-pantay at katarungan.
MAHAHALAGANG KATAGA
Ayon kay Jutta Kill ng World Rainforest Movement, “And kalakalan sa carbon offsets ay walang pakundangan at iresponsable. Sobrang maraming oras na ang nalustay sa mga pagtatangka upang ayusin ang isang konsepto na may depekto sa istruktura. Napakaraming proyekto ang humantong sa pag-agaw ng lupa at nagdulot ng alitan at pinsala sa mga magsasaka, katutubong mamamayan at komunidad.”
Sinabi ni Shalmali Guttal ng Focus on the Global South na “Ang mga organisasyon ng mga maliliit na mangingisda, mga komunidad sa baybayin at panloob na lupain ay walang pag-aalinlangang tinanggihan ang tinatawag na‘Blue Economy‘ at itinuro kung paano ang mga konsepto ng sustenable at katatagan ay nababaluktot upang isulong ang ‘kolonisasyong pangklima’ – lumalawak na larangan ng ekstraksiyon at pagsasamantala sa kalikasan.”
Sinabi ni Kirtana Chandrasekaran ng Friends of the Earth International, “Pinapalakas ng merkadong carbon ang ‘green grabbing’ ng malalaking nagsasabog ng polusyon ng kapaligiran. Subalit sa COP28, ang mga pamahalaan ay magpapasya kung palalawakin ang saklaw ng mga merkado ng carbon upang isama ang mga bagong lupain, dagat at mga bagong uri ng mapanganib na mga aktibidad sa pag-offset. Ito ay magiging isang kalamidad para sa klima at mga frontline na komunidad. Ang kailangan natin ay ang tunay na pagbawas sa emisyon at tunay na pagpinansya sa klima. Anumang mas mababa dito ay kabiguan.”
Ayon kay Devlin Kuyek ng GRAIN, “Hindi makakapagbigay ng tunay na solusyon sa krisis sa klima ang mga merkado ng carbon, mga iskema ng offset, at mga ‘carbon removals’. Tinataguyod nila ang isang sistema na pinapagana ang mga polluter na mga korporasyon at mayayamang bansa upang antalahin ang pagkilos at kumita mula sa krisis. Mayroon man o walang UN seal of approval, ang carbon offsetting sa lahat ng mga hugis at anyo nito, kabilang ang REDD o tinatawag na ‘mga solusyon na nakabatay sa kalikasan’ o ‘blue carbon’, ay pandaraya na dapat agarang ibasura.”
Ayon kay Laura Dunn ng ETC Group, “Sa mundo ng carbon offset, ang damong-dagat ay ipinagmamalaki bilang bagong “green” oil. Ngunit sa aming ulat kamakailan, The Seaweed Delusion, pinapakita na ang pang-industriyal na pagsasaka ng damong-dagat ay hindi magliligtas sa ating klima o magliligtas ng kalikasan. Ang pag-geoengineering ng planeta sa pamamagitan ng mga napakalaking plantasyon ng damong-dagat ay sisira sa mga ekosistema at magbibigay-banta sa mga komunidad sa baybayin.”
Ayon kay Anuradha Mittal, Executive Director ng Oakland Institute: “Sa COP28, ang mga pinuno ng mundo at mga negosyador sa klima ay kailangang kilalanin ngayon at kailanman na ang mga merkado ng carbon ay bigong pagkukunan ng pinansya para sa klima. Ang mga ito ay pabagu-bago at ‘di tiyak, markadong pandaraya, walang kakayahang bawasan ang mga emisyon, at tunay na nakakapinsala sa mga komunidad. Hindi natin kayang mag-aksaya pa ng oras sa maling solusyon na ito. Ang mundo ay kagyat na nangangailangan ng mga alternatibong paraan upang himukin ang pagkilos para sa klima, dahil ang mga merkado ng carbon ay bigo.”
Sinabi ni Jose Bravo ng Just Transition Alliance: “Ang mga iskema ng offset at kalakalan sa polusyon ay nagsilbi lamang upang kumapal ang kaban ng pinakamalalaking korporasyon na nagsasanhi ng polusyon sa mundo. Upang mabawi ang anumang kredibilidad kasunod ng COP28, ang UNFCCC ay kailangang lumayo sa mga naturang subsidiyo para sa mga polluter at simulang tumalima sa pamumuno ng mga manggagawa sa frontline at mga komunidad na gumuguhit ng mga landas ng transisyon batay sa mga tunay na solusyon sa klima.”
–wakas–
MGA TALA:
Ang ilang mga halimbawa ng pinsala sa mga lokal na komunidad mula sa mga proyekto ng carbon offset:
-
- Halos kalahati ng mga offset na binili ng Chevron ay naka-link sa mga claim o paratang ng pagpataw ng pinsala sa mga komunidad at pag-udyok sa pagkasira ng mga ekosistema, lalo na sa Global South o sa mga nasa frontline ng krisis sa klima.
- Ang pandaigdigang mapa ng mga carbon offset na proyekto noong nakaraang limang taon ay nagpapakita na 72% ay nagdudulot ng pinsala sa mga katutubo o lokal na komunidad.
- Ang isang proyektong fuel mula sa basura sa Kerala, India, na itinatag upang makapag-prodyus ng carbon credits, ay nilalason ang hangin ng masiksik na populasyon sa palibot na mga baryo.
- Ang offsetting na proyekto ng Total sa Republika ng Congo ay inagaw ang lupa mula sa mga magsasaka at nagbabanta sa kanilang mga kabuhayan.
- Marahas na pinalayas mula sa kanilang mga tahanan ang komunidad na nakatira sa loob ng proyektong Alto Mayo REDD+ proyekto sa Peru, sa serye ng mga ‘paglilinis’ ng mga awtoridad sa parke.
- Nabili kamakailan ng African Forestry Impact Platform ang Green Resources, isang Norwegian plantation forestry at carbon credit na kumpanya, na may kasaysayan ng pag-aagaw ng lupa, paglabag sa karapatang pantao, at pagkasira ng kapaligiran sa Uganda, Mozambique, at Tanzania.
Ang ilang mga halimbawa ng pandaraya at kalakalan sa ‘phantom credits’:
-
- Inilarawan bilang isang “Cash-for-Carbon Hustle” sa the New Yorker, ang Kariba REDD na proyekto ng South Pole sa Zimbabwe na nakapagpasulpot ng hindi bababa sa $100 milyong carbon credits bago ito bumagsak sa iskandalo nung Oktubre 2023.
- Natuklasan ng isang pag-aaral nitong 2023 na ang karamihan sa mga nangungunang proyekto ng carbon offset sa mundo ay maaaring ikategorya bilang “malamang na basura”, habang ang isa pang pag-aaral na tumitingin sa nangungunang carbon offset certifier sa mundo, ay natuklasan na “karamihan sa mga credits ay marahil na hindi kumakatawan sa anumang benepisyo sa klima.”
- Ang isang pag-aaral ng Mongabay and the New Humanitarian ay nalaman na ang carbon neutrality claims ng UN ay umaasa sa kalakhan sa carbon offset credits na kakaunti ang nagagawa upang mabawasan ang greenhouse gas emissions; ang ilan sa mga ito ay nakatali sa mga ulat ng pinsala sa kapaligiran, pagpapaalis sa mga tao, o problema sa kalusugan.
- Sa isang pagtatasa ng Northern Kenya Grassland Carbon Project, na pinatatakbo ng Northern Rangelands Trust (NRT), natagpuang nagdedepende sila sa mga depektibong pamamaraan na mga pagpapalagay, na naghahamon sa kredibilidad ng ulat sa offsets.
- Napag-alaman sa isang pagsisiyasat ng Le Monde na ang tatlong carbon offsetting na proyekto sa Portel, Brazil – na nagbenta ng credits sa Air France, Boeing, Bayer, Veolia, LCL, at Samsung – ay mapanlinlang at walang mga benepisyo sa klima.
- Sa Papua New Guinea, ang isang pagsisiyasat ng ABC ay nakakuha ng katibayan ng komersyal na pagtotroso na nangyayari sa isang kagubatan (rainforest) na dapat sana ay protektado ng isang iskema ng carbon credit na pinatatakbo ng kumpanyang NIHT na nakabase sa US.
- Ang konklusyon ng isang lathalain mula sa Penn Center for Science, Sustainability and the Media na naka-base sa US ay pinapahina ng carbon credits ang UN Paris Agreement.
- Sa pananaliksik ng dating offset provider, Compensate, pinapahiwatig na ang mga credits mula sa karamihan ng higit sa 170 na nasala na ‘nature-based‘ offset na proyekto na ibinebenta sa merkado ay “hindi angkop magamit para sa offset.”
- Batay sa kanilang sariling pagsusuri, binaggit ng offset rating agency BeZero na “habang ang teorya ng merkadong carbon ay ipinapalagay na ang lahat ng mga credits na kumakatawan sa pag-iwas sa emisyon o pag-aalis ay katumbas ng 1 tCO₂e… ang mga ebidensya ay lalong nagpapakita na hindi ito ang kaso.”
Mga Organisasyon:
-
- Global Justice Ecology Project, North America/International
- Friends of the Earth International
- GRAIN
- ETC Group
- Focus on the Global South
- World Rainforest Movement
- A Growing Culture
- The Oakland Institute
- Indigenous Climate Action
- Just Transition Alliance
- Hoodwinked Collaborative
- Indigenous Environmental Network
Mga kontak sa Media:
-
- Friends of the Earth International: Madeleine Race, communications officer, [email protected], +31 645 198 654 (EN, FR, ESP)
- GRAIN (agriculture/food): Ange David Baimey, [email protected], +22505345274, Côte d’Ivoire (EN,FR)
- Focus on the Global South: Shalmali Guttal, [email protected]. India and Thailand. +918971368696.
- ETC group (geoengineering, carbon removals ): Laura Dunn, [email protected] +1 514-607-9979 (EN)
- The Oakland Institute: Anuradha Mittal [email protected] +1 510 469 5228
- Indigenous Climate Action: ATTN: Katie Wilson & Rosalyn Boucha, [email protected] (EN)